Lovi’s Belo billboard rejected by MMDA

Lovi's Belo billboard

Biktima rin si Lovi Poe ng paghihigpit ng MMDA sa mga ikinakabit na billboard dahil na-disapprove ang billboard niya para sa new endorsement na Belo Sexy Solutions.

One-piece swimsuit ang suot ng aktres sa nasabing billboard at hindi naman daw malaswa ang dating  kaya nagulat ang mga taga-Belo na hindi pinayagang itaas ang billboard.

Disappointed din si Lovi nang malamang pinigil ang pagkakabit ng kanyang billboard dahil ang alam niya, hindi malaswa.

Si Jun de Leon ang kumuha ng picture ng aktres para sa billboard na hindi natin makikita.

Kung matutuloy ang press visit namin sa Captain Barbell bukas na last taping day ng cast, makakausap namin si Lovi at malalaman ang sentiments sa pagkaka-reject ng kanyangbillboard.

* * *

Kahit nagsu-shooting ng Panday 2 si Marian Rivera, tiyak na may magpaparating sa kanya ng magaganap sa presscon ni Heart Evangelista sa mga isyung involved siya.

Naglalagare ang aktres sa trabaho dahil kung hindi nagsu-shooting ng nabanggit na pelikula ay nagti-taping ng Amaya, kung saan pahirap nang pahirap ang kanyang mga eksena.

Wala itong reklamo at mga kasama sa epic serye sa eksenang paulit-ulit silang nilublob sa tubig para sa eksenang pinarurusahan sila ni Rajah Mangubat dahil kailangang perfect ang eksena.

Ang konswelo kay Marian ay ang positive feedback ng viewers sa epic serye.

Mamaya, para mailayo kay Lamitan (Gina Alajar), hihingi ng tulong si Lumad (Mikael Daez) kay Atubang (Daniel Fernando) para doon manirahan si Amaya, bagay na pagseselosan ni Bagani (Sid Lucero).

Patuloy naman ang pag-aakala ni Hilway (Angie Ferro) na si Silay (Mia Pangyarihan) ang may kakambal na ahas at gagamitin niya ito para hindi si Bagani ang maging tagapagmana ni Rajah Mangubat.

Ipaaalam ni Amaya kay Bayang (Ana Feleo) na alam na ni Bagani ang kanyang sikreto.

* * *

Masayang ibinalita ni Atty. Joji Alonso na posibleng magkaroon ng commercial run ang Ang Babae sa Septic Tank at ’pag nangyari ’yun, panonoorin uli namin.

One of the best films na napanood namin ang pelikula na produced ni Atty. Joji, directorial debut ni Marlon Rivera mula sa script ni director Chris Martinez.

Ang ganda-ganda ng movie, hindi pilit ang mga eksena at ang pagpapatawa. At her best din siEugene Domingo.

Mahusay din sina JM Guzman, Kean Cipriano at kahit si Cai Cortez na sa ending lang narinig ang boses.

Mahuhusay ang supporting cast at nakakaloka ang eksenang nahulog sa septic tank si Eugene.  Totoo ba ’yun na lumangoy siya sa mga etsas o props lang?

* * *

Sa Captain Barbell, patuloy ang pananalasa ng higante at makikilala ni Anita (Michelle Madrigal) na si Donald (Akihiro Sato) ang higante.

Isusuko ng dalaga ang sarili para hindi nito tigilan si Captain Barbell, pero ’di papayag ang huli at ililigtas si Anita, kaya pareho na silang nasa panganib.

Tumulong si Super Tiny (Jillian Ward) para talunin ang higante, pero hindi doon nagtatapos ang laban dahil mabibihag ni Nero (Christopher de Leon) si Super Tiny at manghihina rin ito sa azkobar na nasa mukha ni Nero.

* * *

Sa Munting Heredera, nagbanta si Lynette (Katrina Halili) na kakasuhan ng concubinage si Jacob (Mark Fernandez) ’pag umalis sila ni Sandra (Camille Prats) sa mansion, kaya no choice ang dalawa kundi manatili roon.

Ni-reject ni Lynette ang P50-M offer ni Lola Ana (Gloria Romero), hiwalayan lang ang apo.

Hindi makakalimutan ni Calilla ang kaapihan ng ina sa bahay ni Lola Ana (Gloria Romero) at nadagdagan ang galit kay Jennifer nang malamang ito ang nagsumbong sa matanda tungkol kina Lynette at Philip (Leandro Baldemor).

Nanaisin ni Jennifer (Mona Louise) na umalis na sa mansion at sumama sa amang si Manny (Roderick Paulate), pero sa araw na susunduin siya, hindi ito makakarating dahil inatake ang inaalagaan.

(journal.com.ph)

Be Sociable, Share!